Saturday, March 3, 2012

Kuya Gio is finally back! :)

After 1 year, back to Pinas na ulit si Kuya Gio. Siempre super excited ang kanyang asawa na aking pinsan na si Ate Min. But more than that, it was a different arrival since present na din ang kanilang prinsipe, si Karl.

We arrived at the arrival of NAIA just in time sa paglapag ng eroplano na sinasakyan ni kuya. Heavy traffic papasok ng arrival since maraming sumusundo that time. Puro flight kasi from the Middle East kaya maraming balikbayan. Pahirapan din sa paghanap ng parking. After 5 ikot, nakakita na din kami ng parking. We went sa waiting area to check kung nandun na si kuya pero wala pa. Dahil gutom na si Karl na nasa kotse nakatambay, bumalik kami ulit ni Ate Min para pakainin na si Karl. After 10-15 minutes, dumarating na si Kuya Gio sa kotse kasama ni Kuya Ren. Na-stat struck lang ako dahil sobrang payat na ni Kuya Gio. Almost kasing katawan nya si Kuya Ren before at after a year eh halos kakatawan na lang nya si papa. Magic. Galing. But beyond that, yung pagkikita ng family was priceless. I was so happy na na-capture ko yun. :)



After maayos ang maleta, direcho na kami sa Seaside along Macapagal Avenue for our dinner. We went sa aming favorite paluto restaurant, Sharmila. At dahil nasa fiesta mood ang lahat we ordered the following:

Shirmp in sweet and spicy sauce 

Broccoli for Kuya Gio (diet kasi siya)

 Calamares (that's my favorite. dami kong nakain na ganyan)

 Sinigang na Salmon sa Miso (super masarap din)

 Sweet and sour Lapu-Lapu (appetizing sa mata at masarap din)

Meet Kuya Gio with the entire tagasundos

Masarap pa din talaga sa Sharmila. It has been 2 years since our last dinner in the place at hindi pa rin talaga nagbabago yung luto. The staffs were nice. Attentive sila agad sa needs ng customers. Masarap yung luto and affordable pa. Super thumbs up dito. :)

Welcome back Kuya Gio!!! :)



2 comments:

  1. napakasarap kumain sa seaside. weehee!
    welcome back to your kuya =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. wala ang diet diet pag sa seaside kumain. sulit na sulit ang bayad. thanks ate chyng. talagang "ate" na tinawag ko sayo. hehe! :))

      Delete